Ni Jolo Van Clyde Abatayo, RL
Akala ng iba kami ay palamura,
Tingin nila sa amin, nakasalaming matanda
Sa utak nila, ayos namin ay badoy,
Laging nakasimangot at maalikabok na libro ang amoy!
Ito ang katotohanan, hayaan niyo kaming mangatwiran
Upang kayo’y maliwanagan, buksan ang puso’t isipan
Kami’y naturingang tagabantay lamang ng libro
Ang tawag sa’min ay Laybraryan!
Ano ba talaga ang aming layunin?
Gusto niyo bang malaman ang aming tungkulin?
Wag munang mainip, halina’t tuklasin
Ang mga natatago naming lihim
Ang alam ng iba, sa laybrari, libro lang ang makikita
Hindi nila batid na may iba’t ibang gamit pa pala
Bukod sa materyales na ito, anu-ano pa ba?
Tara! Basahin natin ang susunod na stanza!
Sa Laybrari, may Audio-visual materials, alam mo ba?
Mga larawan, posters, flipcharts, at kahit saranggola!
Globo, mapa, cassette tapes, video recording, at kahit trumpeta!
Kahit anong bagay na nagbibigay kaalaman at saya!
Bukod sa mga ito, meron pa ba?
Oo naman! Sa sobrang dami, hindi ko na maisa- isa!
Mga Electronic resources, pamilyar ba?
E-books, e-journals, e-zines, online databases, kilala nyo ba sila?
Naku! Mukhang di ko kayang isambit dito lahat
Ganito na lang, mag-usap na lang tayo sa chat!
Sa mga di ko nabanggit, tiyak ika’y magugulat,
Kahit isang libro pa ang gawin, di ko lahat maiisisiwalat!
Dumako na naman tayo sa aming papel at responsibilidad,
Teka muna, pag-usapan muna natin ang tunay naming edad!
Yung iba sa amin, ahemmm… fresh from the farm pa!
Kaya wag nyo kaming igeneralize na puro kami matatanda!
Hindi lang kami tagapagpahiram ng libro,
Kaya naming pasayahin ang inyong mga puso,
Kung kayo’y naguguluhan at nalilito,
Tawagin nyo lang kami at tutulungan naming kayong matuto!
May katanungan ka ba patungkol sa’yong asignatura?
Nahihirapan ka bang maghanap ng solusyon sa’yong problema?
Wag mag-atubiling lapitan kami at wag mabahala
Sasagutin namin mga katanungan nyo sa abot ng aming makakaya!
Sumasakit na ba ang ulo mo sa Pananaliksik?
Naguguluhan ka na ba sa iyong Thesis?
Wala bang mahanap na impormasyon?
Kaming mga laybrayan ang iyong solusyon!
Hindi mo ba alam kung paano gamitin ng wasto si Internet?
Kuha ng kuha ng impormasyon na parang paslit
Fake news, hindi mo ba kayang mawaglit?
Lapit kay Laybrayan para ulo mo ay di na sasakit!
Nagtataka ka kung paano nakaayos sa shelves ang mga libro?
Yung iba ang akala nila walang ginamit na formula para dito
Gusto mo bang malaman kung bakit sila ganoon nakahilira?
May itinatago kaming teknik na konti lang ang nakakakita!
Sa pag-oorganisa ng mga materyales sa laybrari,
May mga kritikal na proseso na pinapanatili
Subject at Content Analysis, ang aming ginagawa dito
Kung hindi ka marunong, tiyak ay magdudulot ito ng gulo!
Ang library cataloging, hindi madali
Pinagtutuonan ito ng pansin para di ka magkamali
Classification, call numbering, Machine-readable cataloging,
Hindi pwedeng gawing easy!
Tiyak pagpapawisan ka ng matindi sa kili-kili!
Indexing at Abstracting, itong dalawa ay matindi!
Halos lahat, nahihirapan dito, prii!
Pero dapat gawin kasi may serbisyong totoo sa laybrari!
Hindi dapat baliwalain, buhay niyo kaya nilang paginhawain!
Indexes, Abstracts at Catalogs ay mga finding tools
Ibig sabihin, sila'y effective sa’yong research goals,
Mas madali nalang ang paghahanap ng mga impormasyon,
Kung sila’y nandyan, mahirap na pagtuklas ay may solusyon!
Alam nyo ba na expert kami sa information literacy?
Kayang-kaya naming tuklasin ang truth at fallacy!
Fake news ay isang malawakang emergency,
Sus! Ask our help and the truth will set you free!
No comments:
Post a Comment