Monday, August 6, 2018

Tae: Isang Alegoriya


Ang akala mo'ng kakampi na si Kuko ay isang Keso de Bola pala. Sa labas ay pula pero ang totoo, sa loob ay dilaw pala. Kaya siguro parang pinipigilan niyang magsalita si Chonggo ay dahil natatakot siyang lumabas ang tunay niyang kulay. Isa palang traydor si Kuko. Dapat mag-ingat sa kanya si Tatay.
Dahil sa ginawang sayaw ni Mukha at ng kanyang kaibigan, nagalit si Kuko dahil isa daw itong insulto para sa Lupang Sinilangan. Ngunit, sino ba ang hangal sa lipunan? Di ba yung mga nagpapanggap na disente tulad ni Abunoy na akala mo'y malinis, mas madumi pa pala sa taeng dilaw na kanyang kinabibilangan!
Bumalik tayo kay Kuko. Akala ko ba Pula ang kanyang puso, bakit parang dilaw ang kanyang dugo? Tayo ba ay kanyang inuuto? Ako lang ba o ikaw ang nalilito? Bakit niya binabara si Chonggo? May naaamoy ba kayong mabaho? Natatakot ata itong si Kuko na mabuko!
Siguro kung titignang mabuti, mas may ginagawa pa si Mukha para sa bayan, di tulad ng mga nasa taas tulad ni Lugaw, Saba Queen, Abunoy, AntiVeros, Bambini, Kiko Matsing, Baboylon, at Thrililing, puro panunuligsa ang alam gawin. Marumi nga bang babae si Mukha? May kababuyan nga ba siyang ginawa? Oops teka, ating isa-isahin itong mga buwayang halang ang kaluluwa!
Si Lugaw, uhaw na uhaw sa kapangyarihan ni Tatay. Ang taas ng pangarap. Puro mali ang hinahanap. Siya ba'y walang ginagawa o nagpapakasarap? Gusto atang mag-artista? Bakit puro interviews at Pa-Press Con ang ginagawa?
Kay Saba Queen na naman tayo.. Kita mo nang may kasalan talaga, ayaw pa ring magpaputol ng sungay! Pati Simbahan dinadamay. Todo kampi naman itong mga Maruruming Pari sa Anay!
Si Thrililing na animoy baliw. Isa syang sundalong kanin! Ginagawa niya'y hindi dapat purihin! Isa siyang rebelde na dapat tapusin! Naghahanap ng gusot at puro palusot. Tanga ba itong si bansot? Kita mo naman ngayon, mga propesyonal, umaangal sa kanyang desisyon! Dapat sa kanya, turuan ng leksyon!
Si AntiVeros na mukhang virus. Ano ba ang tunay niyang layunin. Pati kalusagan natin, balak niyang Kurakutin. Ano pa ba ang gusto niyang huthutin? Nag-aastang disente na nakasalamin!
Si Kiko Matsing na magaling. Maayos naman sana ang kanyang layunin pero ang hirap lang isipin, bakit sa Dilaw na Tae pa rin sya dumadalangin? Bakit hindi niya nalang suportahan ang Tatay natin? Sabi nga sa kanta ni Ultra Mega Star, "unti-unting mararating.. kalangitan at bituin..."  Bakit hindi nalang sya umayon sa ating mithiin? 
At naku... itong si Baboylon! Bakit ba natin siya binigyan ng pagkakataon? Binigyan ulit natin sya ng kapangyarihang pamunuan tayo. Ewan ko lang ha.. hindi ko naman sya pinili. Bakit ba siya nagwagi? Teka teka... May problema yata ang Matalinong Makina.. May nangyaring dayaan ba? Ano ba talaga ang ginagawa nitong si Baboylon? Natutulog lang naman ito tuwing may diskusyon! Anak ng Baboy, ba't ito nanalo sa Eleksyon?

Hala... Oo nga pala. Nakalimutan ko si Bambini, mga madla... Si Bambini ay... 👊

(To be continued)

A Day in the Life of a Librarian: Celebrating the Joys of Our Profession!

by JVC Abatayo Ahoy, fellow book sailors! Today, I wanted to take a moment to share some of the amazing things about being a librarian that ...