Wednesday, February 17, 2021

With Laybraryan, We LEARN as ONE!

 


By: LibrarJuan

Akala ng iba kami ay palamura,
Tingin nila sa amin, nakasalaming matanda
Sa utak nila, ayos namin ay badoy,
Laging nakasimangot at maalikabok na libro ang amoy!

Ito ang katotohanan, hayaan niyo kaming mangatwiran
Upang kayo’y maliwanagan, buksan ang puso’t isipan
Kami’y naturingang tagabantay lamang ng libro
Ang tawag sa’min ay Laybraryan!

Ano ba talaga ang aming layunin?
Gusto niyo bang malaman ang aming tungkulin?
Wag munang mainip, halina’t tuklasin
Ang mga natatago naming lihim.

Ang alam ng iba, sa laybrari, libro lang ang makikita
Hindi nila batid na may iba’t ibang gamit pa pala
Bukod sa materyales na ito, anu-ano pa ba?
Tara! Basahin natin ang susunod na stanza!

Sa Laybrari, may Audio-visual materials, alam mo ba?
Mga larawan, posters, flipcharts, at kahit saranggola!
Globo, mapa, cassette tapes, video recording, at kahit trumpeta!
Kahit anong bagay na nagbibigay kaalaman at saya!

Bukod sa mga ito, meron pa ba?
Oo naman! Sa sobrang dami, hindi ko na maisa-isa!
Mga Electronic resources, pamilyar ba?
E-books, e-journals, e-zines, online databases, kilala nyo ba sila?

Naku! Mukhang di ko kayang isambit dito lahat
Ganito na lang, mag-usap na lang tayo sa chat!
Sa mga di ko nabanggit, tiyak ika’y magugulat,
Kahit isang libro pa ang gawin, di ko lahat maiisisiwalat!

Dumako na naman tayo sa aming papel at responsibilidad,
Teka muna, pag-usapan muna natin ang tunay naming edad!
Yung iba sa amin, ahemmm… fresh from the farm pa!
Kaya wag nyo kaming igeneralize na puro kami matatanda!

Hindi lang kami tagapagpahiram ng libro,
Kaya naming pasayahin ang inyong mga puso,
Kung kayo’y naguguluhan at nalilito,
Tawagin nyo lang kami at tutulungan naming kayong matuto!

Ikaw bay natatakot dahil baka maapektuhan ang iyong pag-aaral?
Alam naming kayoy nangangamba dahil sa hagupit nitong pandemya
Ngunit, chill ka lang dyan, huwag matulala, huwag mapariwara
Kaming mga Laybraryan ay willing na tulungan ka so di ka nag-iisa!

May katanungan ka ba patungkol sa’yong asignatura?
Nahihirapan ka bang maghanap ng solusyon sa’yong problema?
Wag mag-atubiling lapitan kami at wag mabahala
You know may Messenger, e-mail, Google Meet, at kahit Zoom pa.
Sasagutin namin mga katanungan nyo sa abot ng aming makakaya!

Sumasakit na ba ang ulo mo sa Pananaliksik?
Naguguluhan ka na ba sa iyong Thesis?
Wala bang mahanap na impormasyon?
Kaming mga laybrayan ang iyong solusyon!

Alam nyo ba na expert kami sa information literacy?
Kayang-kaya naming tuklasin ang truth at fallacy!
Fake news ay isang malawakang emergency,
Sus! Ask our help and the truth will set you free!

Hindi mo ba alam kung paano gamitin ng wasto si Internet?
Kuha ng kuha ng impormasyon na parang paslit
Fake news, hindi mo ba kayang mawaglit?
Lapit kay Laybrayan para ulo mo ay di na sasakit!

Naiistress ka ba or sa puso ay may sakit na dinadala?
May Bibliotherapy na kaya kang pagalingin sa pamamagitan ng pagbabasa.
Sa pandemya, mental health mo ba ay nakokompromisa?
May mga mahiwagang payo kami para mabawasan ang sakit na nadarama.

Digital or Virtual services, astig bang pakinggan?
Libraries without walls tanong mo: “Meron bang ganyan?”
Digital Libraries, Repositories, Online Info-services, meron naman!
Kahit may COVID-19, Mga Laybraryan ay hindi ka iiwan.





Photo from: https://americanlibrariesmagazine.org/blogs/the-scoop/covid-19-reopening-libraries-not-when-but-how/


No comments:

Post a Comment

A Day in the Life of a Librarian: Celebrating the Joys of Our Profession!

by JVC Abatayo Ahoy, fellow book sailors! Today, I wanted to take a moment to share some of the amazing things about being a librarian that ...