Thursday, March 14, 2019

Search Engine na may Puso!

Ni: LibrarJuan
Mahal kita kahit sobrang ingay mo na.
Mahal kita kahit ako sayo’y walang kwenta
Mahal kita kahit ikaw sa akin may dalang problema!
Mahal kita kahit ako’y nagagalit at naaasar na!


Lahat gagawin basta ikaw ay mapasaya.
Lahat bubuhatin kahit nabibigatan na.
Lahat aabutin kahit sobrang taas na.
Lahat bibilhin basta may matutunan ka.

Di mo man makita ang tunay kong halaga;
Sisiguraduhin ko na meron kang mapapala.
Kahit sa Internet nabubusog ang iyong mata;
Huwag mong kalimutan na mayroong AKO para tulungan ka!

Mahal kita dahil ako’y tunay na Laybraryan.
Ang nais ko ay mabigyan ka ng nag-uumapaw na kaalaman.
Huwag kang mahiya na ako’y lapitan at pakiusapan.
Sasagutin ko lahat ng tanong mo kahit na nahihirapan!

Hindi Internet ang sagot upang lumago ang kaisipan!
Minsan, ito’y ginagamit dahil sa katamaran!
Akala mo ba pag gamit mo yan tama ka na?
Maghunos diri ka, maaaring fake news ang hatid nya!

Si Google lang ba ang kaya mong tangkilikin?
Bakit si Laybraryan ayaw mong kausapin?
Alam mo ba na ang Laybraryan kayang maging search engine?
Si Google walang puso, ako’y may damdamin!


Photo Credits:
https://www.teepublic.com/t-shirt/3777084-a-trained-librarian-is-a-powerful-search-engine-wi

No comments:

Post a Comment

A Day in the Life of a Librarian: Celebrating the Joys of Our Profession!

by JVC Abatayo Ahoy, fellow book sailors! Today, I wanted to take a moment to share some of the amazing things about being a librarian that ...