Tuesday, July 31, 2018

Paano Pumasa sa Librarians Licensure Exam "the JOLO way!"


1. Naging Best Bro ko to while self-reviewing. Napakalaking tulong nito sa akin. Actually, my cousin gave it to me last April 2016 as graduation gift and during that time almost sold out na to. Wala nang available copies nito sa Davao and other bookstores sa Mindanao. Good thing! Sa Manila nagtatrabaho pinsan ko so yun! Tumalas isip ko dahil dito!


2. Ako maka-online talaga ako. Di ako mahilig magbasa ng libro ( but I enthusiastically read periodical articles). Pause muna sa FB and other social networking sites. Ayun! Nagsearch ako ng mga online quizzes on Library and Information Science and luckily I found the sites that really helped me a lot. I wanna share these sites to you... Sana makatulong!
  • https://www.proprofs.com/quiz-school/story.php?title=ugc-net-test-for-library-information-science
  • http://www.lisquiz.com/2016/04/important-quiz.html


3. Payong kapatid lang ha. Wag ka talagang magpagutom. Kumain ng marami. Mas gumagana kasi utak ko pag busog eh so ayon. I never skip meals talaga! :)



4. Kung out of stock na si Chuckie, kay Vitamilk na naman ako. Itong dalawang to talaga ang nilalaklak ko everytime esp. nung nag-self review ako! Choco is pampatalas ng isipan!
5. Walang magandang mapupuntahan ang pagiging NEGA! Being pessismistic will just lead you to major downfall kaya be positive! Laban lang! Isipin mo na magkakatarpaulin ka din sa labas ng School!


6. Masasabi ko talaga na ADIK ako sa DOTA 2! Mula noon hanggang ngayon, ito talaga naging sandalan ko. Best bud ko to eh! Noong pressured ako sa LLE, heartbroken, stressed, at disappointed, siya talaga ang naging loyal sa akin! Hindi nya ako iniwan! 


7. My Southern Christian College's Library System Family! Todo Support tong mga to sa akin! Thank you so much for your encouragements! Lumakas lalo loob ko dahil sa kanila. Before ko sila naging katrabaho, naging instructors ko muna sila! Kaya kayo dyan, gawin niyong sandalan ang mga katrabaho niyo!


8. Ang SCC LIBRARY SYSTEM talaga ang naging sanctuary at haven ko noon. This library has massive resources especially yung mga books on Library and Information Science. Updated lahat! Nakakarelax lang din kasing tumambay sa lugar na ito. Nakakatalino din kahit papano! Kaya kayo dyan, wag kalimutang bumisita sa library. Kung may Gym para sa Katawan, may LIBRARY din para sa UTAK!


9. MY TREASURED SIBLINGS. Sila talaga ang pangunahing inspirasyon ko. Isa sila sa mga motivations ko kaya ako pumasa!


10. As suggested by a friend, effective daw to. Katoliko ako. I am not saying na ginagawa naming Diyos ang mga santo. They are our ways or instruments to communicate with the Almighty One. Binisita ko talaga ang Parish before and after the LLE. You can find this parish at Malvar St., Davao City.. Malapit lang sa Davao Doctors Hospital.


11. Matalino ka nga, wala ka namang pananampalataya! FAITH is very powerful. Pray to God. Ask his guidance! He will grant you the knowledge and wisdom that you need. Don't be afraid. Just believe!

OATH TAKING during the PLAI Congress 2016 at Davao City
AT NAGING REGISTERED LIBRARIAN SA WAKAS! Unexpected din ang result ha! Hindi man nagTOP, at least PUMASA! <3

6 comments:

A Day in the Life of a Librarian: Celebrating the Joys of Our Profession!

by JVC Abatayo Ahoy, fellow book sailors! Today, I wanted to take a moment to share some of the amazing things about being a librarian that ...